Wika ng Pagkakaisa

   
       Taun-taon, ang buong Pilipinas ay nagdidiwang tuwing Buwan ng Agosto. Bakit? Dahil ang buwan lang naman na ito ay kung kailan isinilang ang ating "Ama ng Wikang Pambansa" na si Manuel Luiz Quezon. Siya ay tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa" dahil siya ang nagsulong na gumamit na lang ng isang wika ang ating bansa nang sa gayon ay mapadali ang pagkakaintindihan ng bawat mamamayang Pilipino. Ang wikang kaniyang tinutukoy ay ang natatangi nating Wikang Pambansa, ang Wikang Filipino. Ito ang dahilan kung bakit ang buwan ng Agosto ang Buwan ng Wika ng Pilipinas.


        Simula pa ng magsimula ang selebrasyon ng Buwan ng Wika, tuwing taon ay may iba't ibang tema na siyang tumutulong upang mabigyan, maisulong at mapatingkad ang kahulugan kung bakit kailangan pang ipagdiwang ang Buwan ng Wika. Ang tema ng Buwan ng Wika para sa taong ito ay "Wika ng Pagkakaisa". Para sa akin, nais ipabatid ng pariralang ito na ang Wikang Filipino ang siyang nagsisilbing instrumento na nagbubuklod-buklod sa mga Pilipinong may iba't ibang lahi, kultura at wika. Halimbawa, ang isang Ilocano at Cebuano na mag-uusap ay hinding-hindi magkakaintindihan at maaari pang magdulot sa pagitan nilang dalawa. Ngunit kapag sila ay parehong mag-uusap na gamit ang Wikang Filipino, hindi malayong magkaintindihan at magkakasundo sa huli. Ibig sabihin, hindi magkakaroon ng pagkakaisa kapag walang pagkakaintindihang mangyayari. Ang wika ay parang isang "invisible glue" na nagdidikit sa mga Pilipino at ang kani-kanilang layunin, prinsipiyo at marami pang iba tungo sa ikakaunlad ng bayan.

       Tunay ngang isang kayamanan ang ating wika. Isang kayamanang hinding-hindi mananakaw ninuman. Isang kayamanang kailanma'y hindi mawawala at patuloy na magagamit ng mga Pilipino sa susunod pang mga henerasyon. Nakasisiguro akong darating din ang panahon na ang buong lahi ng Pilipino ay magkakaisa at hinding-hindi matitibag ninuman dahil sa Wikang Filipino na hindi lang Pambansang Wika ng Pilipinas kundi isang banal na kayamanan na kaloob ng langit sa ating mga Pilipino.

Comments

Popular posts from this blog

My Reflection for the Second Quarter

IT25a - Operating System Project